Wednesday, April 11, 2012

In pursuit of autumn

Napadesisyunan kong i-celebrate ang birthday ko sa South Korea this October. Well, September ang birthday ko pero October 18-27 nalang, just in time for autumn. September to November ang autumn, pero ang peak kung saan nagpapalit na ng kulay ang mga dahon ay mid-October.

Seoul has selected three walkways — Seoul Grand Park’s Ginkgo Tree Road, Cheonggyecheon’s Fountain Grass Road, and Manguri Park’s Four Color Road — that are apparently nice for autumn strolls. 
Source: http://www.rjkoehler.com/2009/10/16/best-autumn-walks-in-seoul/

Solo flight 'to. :)

Since naisip ko to, lagi nalang akong distracted dahil gusto ko nang maayos ang mga papeles ko sa opisina (ITR,  SEC registration) para mas madaling makakuha ng Visa. Based sa mga nabasa kong requirements,  malaki ang chance kong ma-approve. Ang maganda sa lahat, libre ang visa application!

Nagche-check rin ako ng mga flights, sights at accomodation. Gusto ko sulitin kaya plano ko at least 8 nights.  So far, here are the figures:


Airfare: Apx. P13,700 via Cebu Pacific of Cathay
Hotel: Dormitory type at 700/night x 8 is P5,600
Airport taxes: P4,000 (2 way)
Basic food and transpo: P1,200 x 9 = 10,800 (an average meal cost about 5,000 KRW or P186)
Extra: P6,000
TOTAL: P40,000
*I can stretch the budget to 50,000 but of course, it's better if I can keep everything within a shoestring


Pupunta ako sa Coffee Prince Coffee Shop! Ang ganda ng nakita kong mapa papunta dun. Syempre, yung 3 major palaces (Gyeongbokgung, Changdeokgung, Deoksugung), parks and streets kung saan mae-experience ko ang traditional Korean culture. 


This blog makes a good reference: http://grrrltraveler.com/2010/06/finding-seoul-2/.

See you soon, Seoul!

No comments:

Post a Comment