Sunday, June 24, 2012

Dumaan ako

A riveting music from the talented Ayala siblings. Even more heart-wrenching since they sang it during one of Cynthia Alexander's "send-off"gigs before she moves to the USA. She cited lack of support as her reason for leaving the local music scene, and the country for good. After decades of contributing beautiful and intelligent music, the pain and frustration of unrequited love finally took a toll on her. Just like a fruit that fell off the tree, straight to the river.

At the end of the video, both were seen tearing up. =( Goodbye to one of the musicians I "grew-up" with. 'Til the next live performance.


*Lyrics by poet and painter, Maningning Miclat.


Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog

Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
At makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
Matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong di mapakali
At makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko na itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog.

No comments:

Post a Comment