Wednesday, August 8, 2012

Little missed sunshine

Nakaka-miss na ang araw. Bukas, ika-sampung araw na ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Bahagya ko lamang nakita ang langit sa tuwing nagpapahinga ang ulan. Pero ang araw, hindi ko talaga nakita, kahit isang sinag man lamang.

Masarap ang malamig na panahon. Pero nakaka-irita ang pagkabasa ng paligid, lalo na sa bahay namin na lagi nalang may tumutulo sa bintana at nanunuot na tubig sa mga pader.

Nakaka-miss ka, araw. Pag nagkita tayo ulit, tititigan kita ng bonggang-bongga.


No comments:

Post a Comment