Friday, March 16, 2012

Basura at nostalgia

Punong-puno ng gamit ang kwarto ko. Kahon-kahong mga papeles mula sa ilang taong pagtatrabaho, pagtuturo at pag-aaral, mga libro, at kung anu-ano pang anik-anik. Pati yung final paper ng mga estudyante ko circa 2006 ay nandito parin. Pati mga invitations nung debut ng mga classmates ko nung 2001, tsaka mga souvenirs sa mga debut parties na ito ay nakatago parin, pati mga piling-piling memorabilia nung highschool! (remnants ng purging operations ko some 7-10 years ago). Ang pinaka-worst sa lahat, mga forced birthday card ng mga classmates ko nung Grade 6 (1995) dahil sa psycho teacher namin, at mga writing exercises nung Grade 1 (1989)! O, ha!

Kailangan ko ng box galing sa grocery store para ilagay yung mga papel na pwede pang printan ang reverse side. So kailangan kong i-sort kung ano yung mga itatago ko pa dun sa mga up for recycling. Yung mga libro naman ay kailangan kong isalansan. Yung mga DVDs at VCDs walang maayos na lalagyan. Tsk. Kailangan ko na ring magdesisyon kung ano yung mga pwede kong itapon na gamit para ma free-up ang space sa mga storage boxes ko. Pati ang cabinet ko ng damit, kailangan narin ibaba na ang mga hindi naman masyadong ginagamit, itupi ito para hindi siksikan ang mga naka-hanger. Habang ginagawa ito, kailangan ko ng basahan at Pledge.

May tendency talaga akong maging hoarder ng mga gamit, memorabilia and what have you. Noong high school, at noong wala pa akong sariling kwarto (sariling kama lang na may 2-level head board), halos katawang nakabaluktod ko lang ang kasya dahil sa sobrang daming gamit. Para mailarawan kung gaano ako ka-adik sa pagtatago ng gamit, naitago ko pa ng mga 7 years yung lamb na ginawa namin ng mga kaibigan ko nung high school noong na-assign kaming i-disenyo ang bulletin board as South Africa nung 3rd year high school (1997). Yung lamb na yun 2d lang naman pero dinikitan namin ng bulak for texture. May dedication pa yun sa likod mula sa mga kaibigan ko. Pero nung nag-purge ako noon, pikit-mata ko siyang isinama sa mga basura kasi may mga insekto nang gumagapang at naninilaw na ang bulak. Anyway, nakaligtas naman yung visual aids na ginamit namin noong report sa Noli Mi Tangere. Ang mismong chapter ay Chapter 32: Ang Panghugos. Syet, naaalala ko pa.

Sa edad na 28, napakarami ko nang naitago, naitapon, ngunit marami parin ang nananatili. Mahirap kasi pakawalan yung mga gamit na naging memorable naman talaga. Pero masasabi kong na-overcome ko na yung stage na sobrang sentimental ako. Malayong-malayo na talaga sa dati. Yun nga lang, it seems like I purge only to give way to future kalat. 

Sa totoo lang, hindi na ganoon kahirap para sa akin ang magtapon. Well, tinatamad lang talaga ako minsan magligpit lalo na pag limitado ang oras. Ang tendency kasi, habang nagliligpit, binabasa ko ulit yung mga papers, tinitignan ang mga gamit at nirerelive ang mga emotional associations ko sa mga bagay na ito. Parang ang bagay na background music dito ay "Before I let you go" ng Freestyle. Pero once nailagay ko na siya sa basura box, okay na ako. Kumbaga, na-imprint na sa utak at puso ko to the point na immaterial na yung mismong bagay na yun. Sa kabilang banda naman, pwedeng walang ni katiting na bahid ng drama. In short, walang dating. Walang pakiramdam. Ito na siguro yung sinasabi ni Michael Foucault about how our appreciation of things changes from one period to another.

Nalulula akong tignan ang tambak ng gamit ko. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula...at magtatapos. Pero sooner or later, kailangan ko rin itong gawin. Exciting rin naman ang buong proseso ng purging. Pagkatapos kasi ng nostalgia, clarity naman. Bukod sa na-iimbentaryo ang mga bagay na mahalaga at hindi mahalaga (including the unnecessary emotional association a.k.a. memory for memory's sake), literal na nagiging klaro ang mga cabinet at boxes. Lumuluwang ang espasyo. Magaan sa mata, magaan sa pakiramdam.

No comments:

Post a Comment