In fairview, ang guwapo talaga ni JM De Guzman. Ngayon lang ako ulit na-guwapuhan ng todo sa isang artista. I find Piolo very guwapo, too. But it's already a given. Unang tingin, alam mong magandang lalaki talaga (despite the gay rumors). Sabi nga ng kapatid ko nung kinuwento niya yung komento ng friend niya tungkol kay Richard Gutierrez: kaguwapuhang pang-hanap buhay. Pero naaasiwa ako kay Richard Gutierrez. He's all family name, astang alpha male and really the acting is just awful. Anyway, yung kaguwapuhan ni Piolo, dahil sobra, wala na tuloy excitement; wala nang mystic. While the others are just either too cute or too alpha male-ish. But with JM, the gwaponess kind of grows on you. He reminds me a lot of Jericho Rosales na sa tingin ko ay isa sa sa mga pinaka-guwapo. It also helps that he has a theatre background, and has roots in the indie film scene. This makes him not so all-out baduy.
JM stars in this afternoon soap called Angelito: Batang Ama. Again, ngayon lang ulit ako na-hook sa isang teleserye. Very vividly, I remember being hooked to Pangako Sayo (sometime 2000), Meteor Garden (sometime 2002), Maging sino ka man (2005), Lovers in Paris, Princess Hours (2007), Lobo (2008), Green Rose (2010).
In general, mataas talaga tolerance ko sa showbiz. Actually, na e-enjoy ko na parte ako nitong pop culture. Sa mga papers na sinusulat ko sa pag-aaral ng mass com, mas first-hand ang pagtingin ko sa pop culture. Hindi lang puro teorya ni Theodore Adorno, Walter Benjamin o Niel Postman. Ang problema kasi sa ibang academics, critique ng critique tungkol sa commodification, transference, etc. eh hindi naman pala sila nanonood ng mga teleserye. Papanoorin lang nila pag gagawa na sila ng research, o kaya base nalang sa generally accepted notions na nakakabobo ang mainstream media, na escapism lang inaalok nito, at tumutulong ito para manatili ang mga powers-that-be sa kanilang mga posisyon sa lipunan. Para bang nasa taas sila ng tore ni babel, at tinitignan nila ang masa mula dito. Sa kabila ng agwat na ito, ang dami parin nilang say tungkol sa epekto ng pop culture sa masa! Mga intellectual and academic elites nga naman talaga.
At this point, gusto ko lang i-klaro na agree ako sa generally accepted notions about pop culture. Hehe. Pero dahil iba na ang consciousness ko sa pag-konsumo ng mga ito, hindi ako nabobo nito. Lalong hindi ito escapism para sa akin. At lalong hinding-hindi ko nakikita ang sarili ko sa mga characters na napapanood ko. Haller! Ine-enjoy ko lang ito. Bakya na kung bakya! Pero grabe talaga yung fantasy na inooffer ng mga teleserye sa mga manonood. Solid na solid yung romantic love na tema sa LAHAT ng teleseye (lalahatin ko na kasi wala ako maisip na ieexcept). Para bang ang buhay ay umiikot lamang sa konsepto ng romantic love. Paghihintay, pagtitiis, paghihirap, pagsasakripisyo, kasiyahan, etc. Tapos yung iba, backdrop na lang (history of family relations - tunay na ina, tunay na anak, etc., friendships, social mobility - mahirap turned mayaman and vice versa, socio-political conditions, etc.). Tapos pag nakinig ka pa ng radyo, 10 out of 10 na kanta ay puro love song din ang tema! Teka, lumalayo na ako sa point ng kwento ko. (pero magandang materyal ito for a separate blog entry)
Going back to Angelito, na-aliw ako sa story, una dahil lalaki ang bida sa konteksto ng teenage pregnancy. Dito palang, interesting na. Pangalawa, winner yung cast. Parang walang big or small role kahit ang dami-dami nila. Pag may nawalang isa sa mga taga looban, may feeling na parang may kulang talaga dahil unique ang hirit ng bawat isa. Nung nawala si Mervin, wala na yung makukulit na hirit (Buti bumalik na siya at pinatawa niya ako noong tinawag niyang 'kumag' si Angelito. Tagal kong hindi narinig yung salitang yun. Haha!). Mga ilang weeks na ring wala na si attorney, so wala na yung mga legal chenes na mga hirit. Tapos, pag wala si Charlotte, walang bakla! And so on, and so forth. Sobrang galing din ni Elizabeth Oropesa. Kaya niyang lamunin lahat ng ka-eksena niya pag namomoment na siya bilang lola Pinang. Pangatlo, tamang-tama ang pacing. Yung ibang teleseye kasi, nagkakilala ngayon, tapos next week, inlove na inlove na. Or magkagalit ngayon, tapos next week bati na. Sa Angelito, talagang ipaparamdam sayo yung lalim ng galit and misunderstanding. Case in point, buong February nagbabangayan si Rosalie at Angelito though syempre kailangan may pasundot-sundot na kilig. Sa paraang ito, pinapakita yung proseso ng galit at paghilom. Tingin ko mas effective ito kasi pag naghilom na (pag nagkabalikan na si Rosalie at Angelito), victorious talaga ang dating kasi yung audience mismo, naging bahagi sa prosesong ito. May nababagalan, pero mostly they like being teased kesa bigay agad. Kitang-kita naman sa mga tweets ng fans ng show. By the way, ang saya rin pala maki-epal sa mga fans, at maki live tweet! Haha!
Finally, sobrang endearing ng character ni Angelito. In equal measure, nakakaawa siya, nakakatawa, mabait, mapagmahal, siga, at heroic. Lima yun ha! Yung ibang bida kasi, pwedeng hanggang 2 o 3 lang. Halimbawa si Coco Martin sa Walang Hanggan, more of nakakaawa and siga lang siya. Loving din naman siya especially to his lola, pero in a nakakaawa way.
Anyway, I think JM will really make it big. Marami narin namang nagsabi. May mass appeal kasi siya, tsaka yung pagka-pogi niya, hindi yung tipong hindi mo na siya maabot. Siya yung pwede mo pa ring makasalubong sa kalye. Na-immortalize na niya yung character na Angelito. Nagkaroon talaga ng buhay at kaluluwa yung character. Unforgettable na si JM sa role na yun. Unlike "Alyna" ni Shaina. JM and Charee really make a great looking love team. Jericho and Kristine talaga ang peg.
Wala naman akong higher expectations whatsoever. In the tradition of mainstream media, alam ko naman ang magiging ending nito. I think everybody does. Pero sabi nga diba, just sit back, relax and enjoy the show. :)
No comments:
Post a Comment